Instrumento sa Pakikipagtalastasan
Ang wika ay instrumento ng komunikasyon. Mayroong iba't ibang uri ng dayalekto ang wika na katulad ng Ingles, Tagalog, French, Korean, at marami pang iba. Ang kanya-kanyang dayalekto ay dumidepende sa kung saang lugar ito galing or naroroon. Ngunit ang pangunahing ginagamit sa mga ito ay Ingles. Kahit na may iba't ibang dayalekto ang mga wika, iisa lamang ang nais isambit ng mga ito.
Ang mga wika ay hindi namamatay sapagkat ito ay madalas na ginagamit ng mga mamamayan. Mas umuunlad pa ito sapagkat natututo ang bawat lahi ng mga wika ng iba pang lahi. Nagsisilbi ang bawat wika bilang tulay upang makipagtalastasan sa bawat tao. Ito rin ay isang sandata upang mailahad mo ang iyong nararamdaman. Maaari mo rin mailahad ang iyong nararamdaman sa pamamagitan ng musika, kung saan ang mga salita o nota na nakatalata sa isang papel na iyong kakantahin o tutugtugin.
Ang bawat wika ay dapat patuloy na gamitin upang hindi ito mamatay o mawala. Dapat nating alagaan at mahalin ang mga ito. Sapagkat ang mga wika ay ginagamit sa pakikipagdebate, pagsasaad ng nais sabihin. Maaari kang makipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat, voice record, wikang pasenyas, video call, at iba pa. Dapat tangkilikin ang bawat wika sapagkat ito ay isang bagay na mahalaga sa bawat tao.
Mahusay Andrea!
ReplyDeleteNabigyang linaw at naragdagan ang mga kakayahan/gamit ng wika sa isa't isa.