Posts

Showing posts from September, 2020

Kayamanan ng Bayan

 Ang wika ay isang intrumento Na bawat bansa ito ay ang simbolo Ginagamit sa paglalathala ng tula Ginagamit sa paglikha ng dula Tagalog ang wikang pambansa  Mga pilipino ito ang kinilala Bigyan ito ng kahalagahan Sapagkat ito'y naging dahilan ng ating kalayaan Mga wika ay nagkakaisa Pagkakasapi ng mga tao ay dito makikita Pakikipagtalasatasan ang paraan Upang maisagawa ang pakikipagtulungan  Kasaysayan ng wika Dapat bigyang gawa Wika ay dapat kilalanin Dahil ito ang kayamanan natin.

Instrumento sa Pakikipagtalastasan

Image
                              Ang wika ay instrumento ng komunikasyon. Mayroong iba't ibang uri ng dayalekto ang wika na katulad ng Ingles, Tagalog, French , Korean, at marami pang iba. Ang kanya-kanyang dayalekto ay dumidepende sa kung saang lugar ito galing or naroroon. Ngunit ang pangunahing ginagamit sa mga ito ay Ingles. Kahit na may iba't ibang dayalekto ang mga wika, iisa lamang ang nais isambit ng mga ito.                                    Ang mga wika ay hindi namamatay sapagkat ito ay madalas na ginagamit ng mga mamamayan. Mas umuunlad pa ito sapagkat natututo ang bawat lahi ng mga wika ng iba pang lahi. Nagsisilbi ang bawat wika bilang tulay upang makipagtalastasan sa bawat tao. Ito rin ay isang sandata upang mailahad mo ang iyong nararamdaman. Maaari mo rin mailahad ang iyong nararamdaman sa pamamagitan ng...