Pagsuri sa ginamit na wika
Ang wika ay isang instrumento na ginagamit sa pakikipagtalastasan o sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao, maaari rin itong gamitin sa pagsabi ng nais sambitin ng isang indibidwal. Marami sa mga tao ang nagsasaad ng kanilang damdamin sa social media. Ang social media ay isang plataporma upang magbigay impormasyon o opinyon sa mga tao at ginagamit din ito sa iba pang bagay. Ang ginamit na plataporma ng indibidwal ay Twitter kung saan ibinahagi niya ang kanyang opinyon ukol sa problema ng ating bansa. Sa kanyang tweet ay gumamit siya ng wikang tagalog upang maisaad ang kanyang nais sabihin, at sa ganitong paraan ay makakatulong siya sa pagpapaunlad ng wika, dahil sa patuloy na pagtangkilik at paggamit ng ating wikang pambansa.